Friday, December 12, 2008

WAITING IN VAIN

Wait mode ako ngayon. Pesteng DSL (dial-up service lang). Dahil nakiusap ng maiigi ang pamangkin ko idownload ko naman ang mga kanta na nasa listahan nya, kaya eto, waiting vain ang beauty ko ngayon. Kaya naman naisipan ko na mag update ng blog ko habang nilalamok ako at tantanan ko na ang magbunot ng patay na buhoy o magtungkab ng dandruff sa anit.

Pagkatapos ng walong oras na kurachang trabaho, habang nasa jeep ako at pauwi, naisip ko na "Syet. Pasko na naman." Nararamdaman ko na ang hampas ng malamig na hangin kahit sa tanghali. Pero, personally, hindi ko masyadong ma-feel ung (hitad kang frostwire kaah! bakit awaiting sources??!!! gaah!!!) excitement pag Pasko. Ung excitement ba nung bata ako. Noon, excited akong magsimbang gabi dahil alam kong pag-uwi namin galing simbahan e may regalo ako mula kay "Santa Claus" (na talagang may suspetsa ako na nanay ko ay secretary ni Santa Claus! E parang sulat ng nanay ko ung mga nasa regalo ni Santa sa kin e!). Ang dami kong natatanggap na regalo noon kasi ako lang bata dito. Wala akong iniintindi basta ang importante magpaka good girl lang ako, ayus na.

Ngayon. Hindi na ako bata! Batang isip oo! Hindi na rin ako nagsisimbang gabi. Pasintabi po sa mga sagrado. Pero mas gugustuhin ko na lang matulog para makabawi ng lakas para sa trabaho bukas. Minsan naiisip ko pag pumipili ako ng regalo tuwing Pasko "hindi ba pwedeng moral support na lang ang gift ko?!". Si beb (btw, i'm back for good.) medyo bonggang bongga ang budget nya para sa mga inaanak nya. Inasar ko nga minsan, sabi ko "Friendly ka kasi e hehe.". Gusto ko rin magpa-relax ng hairlaloo, pero naisip ko baka ma-short naman ako sa budget ko for gifts. Sige tawad, hot oil na lang.

Sa balita naman, patayan, cha-cha chenes chenelar, holdapan, mga OA na pulitiko, pinoy na nagscam ng pekeng beauty pageant sa Pilipinas (nako ha, sana man lang kahit pang barangay beauty pageant gumawa sya para sa mga bilat na foreigner na un! O diba, Ms. Barangay Young International!). Kung papansinin mo, maliit na segment lang ang para sa magagandang balita kumpara sa mga hindi magagandang balita. Sabagay, dapat informed tayo sa mga nangyayari sa paligid natin. Pero minsan nakakaumay ang mga impormasyon e. Diba pwedeng gumawa naman tayo ng mga magagandang bagay para dumami ang mga magagandang balita? Or talaga bang It's Complicated tm na ang mundo?

Hay nako. Ayoko na mag-intay at alas dos na. Pinis or nat pinis pas yer peper! Tinatawag nako ng kama ko at namimiss na nya daw ako.

0 natoxic: