This month, maraming magagandang bagay ang nangyari sa buhay ko.
- Nandyan ang 1st time kong na-experience of San Miguel Octoberfest 120. kaloka ang octoberfest na itezh! buti na lang nandun ang ka-batch mate ko nung highschool sa Taritz! kundi wala kameng table!
- Nang maging isa ako sa mga contestant sa Chef to Go! ang chef to go ay isang cooking show hosted by gwapong gwapong chef rob on QTV11. kalurki talaga! dahil un ang 1st appearance ko sa telebisyon! (maraming salamat sa ka-staff ni ronnel dahil ako pinili nya.) Natalo ako contest na un, pero ako ang may pinakamahabang tv exposure with gwapong gwapong chef rob! feeling winner parin!
- Tumawag din sa kin ang Cosmomagazine, para ibalita na winner ako ng 2 tickets sa Cosmo Batch 69 party. pero pinagpalit ko ito sa isang raket na pagkakakitaan ko. kaya hindi ako umatend ng party sa makati.
- Nakatanggap rin ako ng magandang balita mula sa Pathologist namin na next month na ang training (or externship) ko sa microbiology sa UP-PGH. sana matuloy na talaga...
- At syempre ang birthday ko! na wala namang nakalimot na bumati sakin.
- When it rains, it pours.
- Huwag hangarin ang lahat, hindi lang ikaw ang anak ng Diyos.
- Ituloy ang pagiging mabait sa kapwa, lalo na sa mga katrabaho.
- At matutong huwag inisin ang sarili, kahit nakakainis kasama ang katrabaho mo. isipin mo na lang, ham yan.
Anu't anopaman, huwag natin kalimutan ang magpasalamat sa mga blessings na natanggap natin, at syempre, ang moral lesson sa ating everyday lives.




0 natoxic:
Post a Comment