Friday, March 20, 2009

PHLEBOTOMY 101

*ang kwentong ito ay intended para sa mga medtech at other allied health cheverlyn.

Phlebotomy: (n) the collection of blood from a vein.

Eto ang kwento:

Isang araw, habang kame ay nasa duty at nagtotoxic-toxican, may dumating na specimen (blood) sakin at sabi:

Nanay betty: 'day, THH 'day (TSH un, mashonda na kasi..)
Ako: Huh? bakit ganito? (ang request ay: TSH, T3 at T4 (Thyroid exam) bakit ba ako nagtataka?)
Nanay betty: Galing sa taas yan 'day (newborn ang patient, nasa pedia ward)
Ako: Huh? bakit nasa BLUE TOP (citrated tube) e thyroid exam to?! pang PT, PTT ang tube!!!
Nanay betty: ay ewan ko 'day!
Ako: Akyat muna ako sa pedia!

At inakyat ko ang pedia sa 4th floor (actually nag elevator ako).
Sa nurse's station, nandun ang "bespren" naming duktor/medtech na bonggang bonggang pinagmamalaki nya na "medtech din ako!". Anyway, so nandun sya, nakikipagtalakan sa mga aswang (bantay ng mga pasyente) sa station.

Doc bespren: Chenes chenes cheverlou! dun kayo sa private!

Habang ako..

Ako: Ate (sa nurse) kasi itong blood, pang Protime lang to..e thyroid exam ung request...dapat sa plain tube (red tube, color coded kasi ang mga tube na lalagyan ng blood depende sa test na gagawin).
Nurse: Ha?! Nako...pano ba yan...
Ako: Sino ba nagbigay sa inyo ng tube?
Nurse: Ung naka-blue sa nyo na lalaki, ung may edad na..

So may idea na'ko kung sino. Ung trainee namin.

Ako: E sino nag-extract?
Nurse: Si duktora..

Si doc bespren ay biglang nagparinig na "Walang bawian ha.."
Napaisip ako, ako ba ang pinariringgan ng bruhang to?

Ako sa nurse: repeat na lang, or kung may request sana na protime, go na 'to.
Doc bespren: bakit ano yon? (hindi sya tumitingin sakin..may anting-anting ata ako.)

Hindi makapag-isip ng tamang alibi si nars.

Nurse: e kasi doc...ano e...
Ako: Kasi po doc, nasa blue top po ung blood, e thyroid exam po ung request...
Doc bespren sa nurse: O diba may saved serum yan? (bakit nasa station ang blood?! bahala nga sila..)
Nurse: (etong malupit..) e doc..naitapon ko na e...
Doc: habulin mo...

Naloka naman ako dun sa utos nya..so si nurse natarantang pumasok sa pinakaloob ng station.

Doc sa akin: Sige mam, bigay na lang sa nyo ung blood (hindi pa rin sya tumitingin sakin..)

Ako: Ok sige po.

Nung nasa elevator nako, tawa ako ng tawa! kung may multo lang sa loob ng elevator, hindi na sya mag-aabalang takutin ako dahil iisipin nya na baliw ako.

Ano ang moral lesson? Matuto magtanong sa mas nakakaalam. Hindi naman sa pagmamayabang naming mga medtech, pero alam mo na yun. :) Gawing by heart ang mga natutunan sa eskwelahan. At maging friendly sa mga mas nakakababa.

So yun lang naman ang nagpasaya ng mga araw namin.

xxx

As of 8:30am, tinanong ko ang may edad na trainee na un. Lumalabas na talagang pang Protime ang request ng patient kaya nya binigyan ng blue tube.

So 1 point kame, -2 points sya. hehe..

Monday, March 9, 2009

FREEMAN.

1964-2009

Fighter.
Pinoy.
And was a part of my childhood.

Thursday, March 5, 2009

TO HELL AND BACK

Last week tinamaan ako ng isang matinding lagnat. Yun na ata ang pinakamatinding lagnat na na-experience ko. Since Friday night (partida nasa night duty pa ako nun), Feb. 27, dun na nagsimula ang pakikipagtunggali ng aking precious na immune system hanggang Mar 2 ng mga hapon.

Devil: Akin na kaluluwa mo nyehehe..
Ako: No way!
Devil: No way ka dyan! Wag mo kong artehan!
Ako: Whatever yaya! You're such a loser!

Ano nga ba ang natutunan ko? Una, uminom ng maraming tubig, pangalawa, sabayan ng analgesic ang antibiotic pag nilalagnat (para hindi umabot hanggang sa split ends ng hair mo ang lagnat mo), pangatlo, mother knows best pa din.

Sunday, February 15, 2009

ZE VALENTINE DATE.




Winner ang ze muzikal play na Zsazsa Zaturnnah itezh! Ditey kame nag celebrate ng aking beb nung nakaraang Valentimes Day sa CCP.


Sa aking pagkakaalam, pangalawang beses na ito nai-launch ang ze muzikal play. Nung una kong marinig na ginawa itong play (nabasa ko muna ang comic book mga 2 years ago, gift sa kin ng mga fwends ko kasabay ng original dvd na ze movie with Zsa Zsa Padilla, o diba hindi sila masyadong prepared at coordinated) napaisip lang ako kung pano nila maie-execute ang mga eksenang tulad ng giant frog, ang pag transform ni Ada into Zaturnnah, at ang pagsubo ng higanteng bato? Nang mapanood ko na, naisip ko, oo nga naman why not?! Possible yun. Naalala ko bigla ang maikli ngunit masayang theater days ko nung college.


Si Eula Valdez ang gumanap bilang Zsazsa Zaturnnah at si Tuxqs Rutaquio bilang si Ada. Kung titignan mo, hindi man nakuha ni Eula Valdez ang physical attributions (malaki at masculadang babae si Zsazsa) ni Zsazsa Zaturnnah, e nakuha naman nyang panindigan ang karakter na sya ay malaki at masculadang (at bungangerang) babae bilang Zsazsa Zaturnnah. Kaya hindi pangkaraniwang Eula Valdez ang makikita mo sa play kumpara sa tv. Winner na winner si Eula ateh! Hindi sa pagiging plastikera, tinalo nya ang mga pakyemeng artistang na nagso-song and dance number sa SOP at ASAP.


At si Didi! Putangina Didi! Si Didi ang BFF ni Ada slash Zsazsa. Si Didi ang nagrerepresinta ng bawat BFF natin na sulsolera, number #1 fan, totoo, maasahan, mapagkakatiwalaan at mapagpatawad.


Anyhus, lemme give you a little information on Zsazsa Zaturnnah:


Si Zsazsa Zaturnnah at si Ada ay iisa ngunit may mga pagkakaiba rin sila. Si Zsazsa ay obviously na superheroine na sumagip ng isang bayan mula sa manlulupig na Queen Femina and the Amazonitas, samantalang si Ada ay superbeklang parlolista na may kakayahang gumawa ng himala mula sa pinaghalong balat sa tinalupan na magmamaldita at magmamaasim pag nandyan si Dodong at may bestfriend na si Didi na ever supportive kay Ada slash Zsazsa all the way (at si Ada na nagtataglay ng dream role ng halos lahat ng bakla sa mundo!).


So ang Zsazsa Zaturnnah ze muzikal ay Victoria! Winner!

Monday, January 12, 2009

NOSEBLEED!


Eto na ang papalit sa Cosmo Magazine ko!

So buy na! And make your life miserable on finding dat dam ninja!

Thursday, January 1, 2009

UNANG UTOT SA 2009!

Isang matamis na faalam sa nakalipas na 2008. Isang taon na naman ang nakalipas at existing pa rin ang blog ko.

Para sa aming mga health workers, hindi natutulog ang mga pesteng pasyente. So, nagmistulang zoo ang ER namin (with the background song ng "Welcome to the jungle"). Sa tingin ko naman wala masyadong naputukan sa min, putok ang ulo at stab wound lang naman. Ganun talaga, isipin ko na lang daw para sa bayan yon, kahit ang bayan hindi ako iniisip. Shelfish hmp.

Anyhus, mag-iisang taon na rin ako sa trabaho ko bilang slave. Mag-iisang taon na rin ako namumulat kung gaano ka-corrupt ang gobyerno natin. Taena kayo! hehe. Masasabi ko masaya pa rin ang taon ko. Naging mabait sa kin ang panahon kahit madalas akong magmaldita. Wala akong new year's resolution. Kase I believe na pwede kang magbago anytime na gusto mo. Hindi mo na kelangang intayin ang new year para baguhin ang hindi maganda.

Kaya totoo ang kasabihan ng "think positive", kung gugustuhin naman devah, whynat?!

Kasama ng aking isang latang SanMig Light...

HAPPY BAGONG TAON!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, December 24, 2008

IT IS A HOLIDAY MIRACLE.

Napapansin nyo ba pag malapit na ang Pasko, medyo humahaba ang pasensya ng tao? Madaling magpatawad, madaling makalimot. Pero, pagtapos ng holiday season, back to normal na, talo talo na.

xxx

May I rephrase naman ung last entry ko na hindi ko masyadong ma-feel ung excitement ang Christmas. Well, I'm starting to get the feeling of excitement. Excited in the sense na i get to give gifts na. For the past few Christmases, lagi akong wa andalu! Kasi lagi akong jobless pag malapit na ang Pasko! Hindi ko alam kung bakit, pero i thinki Nagkakataon na nagreresign ako ng mga bandang October. Ngayon, hindi ako jobless at may naipon naman ako para may pang shopping ako sa world trade bazaar.

Beb: beb, anong gift mo sa kin sa Pasko?

Ako: beb, hindi na ko maggift sayo this Christmas, kasi diba simula nang dumating ako sa buhay mo, nakumpleto ka na. Di ba I complete you? Kaya hindi na kita reregaluhan.

Beb: ang dami mong sinasabi..

So, it is better to give than to recieve..except kung bonus ang marerecieve mo, grab lang ng grab!

But the real sense of Christmas, kahit ano pang relihyon mo, kahit ano pang paniniwala mo, is to give love. And make love.

Kaya...
MERRY CHRISTMAS MGA CHEVERLOU!!!